KALIBO, Aklan—Nasa 400 mga pulis ang ipapadala sa lalawigan ng Aklan para sa nalalapit na halalan sa Mayo 13 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni P/Major Bernard Ufano, Head ng Provincial Intelligence Branch (PIB) na batay aniya ito sa hiling ni Police Provincial Director P/Col. Lope Manlapaz sa Police Regional Office (PRO) 6.

Layunin nito na magkakaroon ng dalawang police officer sa bawat barangay sa buong lalawigan sa panahon ng halalan.

Maliban dito, magde-deploy din ng mobile forces para sa “quick reaction forces” sakaling magkaroon ng emergency sa mga bayan.

Ang naturang hakbang aniya ay upang matiyak ang malinis at matiwasay na eleksyon.

-- Advertisement --