Dumanas ng upset ang four-time world champion na Germany matapos itong talunin ng underdog team na Paraguay sa pamamagitan ng nakakagulat na penalty shootout (4-3) sa Boston Stadium.
Unang nakapuntos ang South American team sa ika-42 minuto bago mag-halftime, matapos ipasok ni Julio Enciso ang isang matinding header mula sa cross ni Matías Galarza.
Natapos ang halftime na hawak ng Paraguay ang bentahe.
Agad namang rumesbak ang Team Germany sa second half. Sa ika-54 minuto, naitabla ng German forward na si Kai Havertz ang iskor sa 1-1 gamit ang isang header.
Dahil sa parehong mahigpit na depensa, nauwi sa 30-minute extra time ang laro. Muntik nang manalo ang Germany, ngunit na-disallow ng VAR ang goal na ipinasok ng striker na si Jonathan Tah dahil sa foul sa goalkeeper.
Sa penalty shootout, tuluyan nang napalabas ang Germany sa World Cup matapos selyuhan ng Paraguay substitute na si José Canale ang makasaysayang panalo. Ipinasok ni Canale ang winning penalty kick kontra sa legendary keeper na si Manuel Neuer, dahilan upang umabante ang koponan sa susunod na elimination round.
Dahil sa pagkatalong ito, bigong makapasok sa Round of 16 ang Germany sa tatlong magkakasunod na World Cup tournaments.
Haharapin naman ng Paraguay ang mananalo sa tapatan ng Colombia at Sweden.
















