Sugatan ang apat na pulis matapos salakayin ng mga hinihinalang myembro ng New People’s Army (NPA) sa Misamis Occidental.

Sa report ng PNP PRO-10, bandang alas-7:50 ng umaga ng maganap ang pag atake.

Nagbabantay ang mga pulis sa quarantine control point sa Barangay Putongan, Concepcion, Misamis Occidental nang paulanan sila ng bala ng mga hinihinalang NPA.

Kinilala ang mga nasugatan na mga pulis na sina: PCPL Marvin Inton, PSSg Larry Millan
PCPL Leo Gumisad at Pat Ritchel Tañola.

Patay naman ang isang rebelde na kasalukuyang tinutukoy na ang pagkakakilanlan nito.

Agad naman na rumesponde ang 1st Provincial Mobile Force Company of Misamis Occidental Provincial Police Office at mga sundalo ng Philippine Army sa lugar para tugusin ang mga rebelde.

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang hot pursuit operations laban sa mga rebelde.