alimodian Iloilo PNP accident

ILOILO CITY – Patay ang apat na pulis habang 31 naman ang sugatan ng mahulog sa bangin ang 6×6 truck ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay Ginomoy, Alimodian, Iloilo.

Ang mga sakay ng truck ay ang mga personnel ng 6O1st Regional Mobile Force Battalion na nakabase sa nasabing lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Albert, driver ng ambulansyang sinakyan ng mga biktima, sinabi nito na papasok na sa kampo ang truck ng tumigil ang makina nito.

alias Albert alimodian
Ambulance driver

Ayon sa kanya, hindi kumagat ang preno ng truck kung kaya’t nahulog ito sa tinatayang 100 metro na lalim na bangin.

Ani Albert, ang ibang mga biktima ay sugatan at nabalian ng buto.

-- Advertisement --

Inaalam pa ang mga pangalan ng mga pulis na namatay.

Sa ngayon ang mga pulis ay nanatili sa Aleosan District Hospital sa Alimodian, Iloilo samantala ang iba naman ay naka confined sa Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo, City.

iloilo vehicular Alimodian
PNP truck from 601st Company Regional Mobile Force Battalion fell off from a cliff in Alimodian town, Iloilo