-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na manlalaro ng San Antonio Spurs.

Ayon sa NBA, na bilang bahagi ng contact tracing ay napilitang silang ikansela ang mga laro.

Isasailaim sa COVID-19 testing ang ibang manlalaro ng Spurs ganun ang mga miyembro ng Charlotte Hornets.

Nakalaro kasi ng Hornets ang Spurs nitong Lunes bago ang isuspendi ang dalawang laro dahil sa insidente.

Una ng kinansela ang laro ng koponan sa Detroit Pistons at Cleveland Cavaliers.

Ang naging outbreak sa Spurs ay kasunod ng mas pinahigpit ng NBA ng kanilang panuntunan para hindi na tumaas pa ang kaso ng hawaan ng bagong variant ng COVID-19.