-- Advertisements --

Itinuturing ng batikang defense lawyer na si Atty. Jose Roy III na ‘normal’ o karaniwang nangyayari ang magsagutan at gitgitan sa pagitan ng mga abogado sa isang impeachment trial.

Si Atty. Roy ay dating nagsilbi bilang defense lawyer ni dating Chief Justice Renato Corona noong sumalang ang dating punong mahistrado sa impeachment trial.

Kung babalikan ang ika-15 araw ng impeachment trial vs VP Sara Duterte, sinabi ni Kapunan na pinipigilan lamang niya ang sarili na “i-spank” si Ferrer matapos igiit ng huli na pinapayagan ang misleading questions.

Ayon sa abogado, kilalang may ‘strong character’ si Kapunan at hindi maiiwasang mangyari ang mga naturang insidente sa gitna ng isang trial.

Aniya, madalas at karaniwang nangyayari ang mga ganitong insidente sa mga trial, lalo na sa mga pagkakataong gitgitan ang dalawang panig sa kani-kanilang ipinupunto sa kaso.

Maaalalang bago natapos ang 15th day ng trial ay pinuna ng defense ang naging asal ni Atty. Kapunan. Kasunod nito ay nangako rin ang batikang counsel for the prosecution na mag-behave na siya sa pag-usad ng trial.