Patay ang apat na katao dahil sa pagguho ng 7-storey building sa Cambodia.

Isang uri ng hotel ang nasabing gusali na gumuho kung saan maraming tao ang naipit.

Gumamit na ng mga heavy equipments ang rescuers para mailabas ang mga biktima sa gumuhong gusali sa Kep province.

Itinakbo na sa pagamutan ang 16 katao na nasugatan sa nasabing insidente.

Nagtungo naman sa lugar si Cambodian leader Hun Sen at tiniyak ang tulong sa mga nasugatan at nasawi sa pagguho.