Florida Shooting
-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Lakeland Florida.

Nakagawa pang pakipagbarilan sa kapulisan ang suspek na si Brian Rilley, 33-anyos isang retiradong Marine bago tuluyang sumuko.

Kinabibilangan ng isang 3-buwang sanggol, ina at lola nito ang nasawi sa nasabing pamamaril.

Dinala naman sa pagamutan ang 11-anyos na batang babae na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na gumamit ng droga ang suspek kaya nagawa nitong mamamaril.

-- Advertisement --

Hindi pa malaman ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.