ROXAS CITY – Apat ang patay kabilang ang isang sundalo sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army sa Sitio Buyoron, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.
Kinilala ang napatay na sundalo na si Private First Class Joel Fariñas ng Barangay Duran, Dumalag, Capiz na nagtamo ng patal na sugat sa dibdib at paa.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Captain Cenon Pancito III, spokesperson ng 3ID Philippine Army at chief ng public affairs division na nagsasagawa ng combat operation ang militar sa lugar ng magkasalubong sila ng tinatayang 20 mga NPA members ng Central Negros Front.
Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok nga magkabilang panig bago nagwithdraw ang mga rebelde.
Samantala kinilala naman ang dalawang sugatang sundalo na sina Sergeant Froilan Tosalem at Corporal Oliver Porten.
Narekober ng militar sa lugar ang mga baril at explosibo kabilang ang 500 bala ng ibat ibang baril, bala ng 40mm grenade launcher, M14 rifles, M6O machine gun, 30-meter na electrical wire para sa anti-personnel improvised explosive device.
Patuloy sa ngayon ang hot pursuit operation ng militar sa tumakas na mga rebelde.