-- Advertisements --

dante1

Umakyat na sa apat ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Dante, pito ang missing habang dalawa ang sugatan.

Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang ika-apat na fatality ay isang 55-anyos na lalaki mula sa Norala, South Cotabato na nalunod at narekober ang kaniyang bangkay nitong nakalipas na June 2, 2021.

Ang pitong naiulat na missing ay ang apat na mangingisda mula sa Region 6, dalawa sa Region 8 at isa sa Region 11.

Ayon sa NDRRMC ongoing ang search and rescue operation para sa mga nawawalang indibidwal.

Sa ngayon umabot na sa 45,456 katao o katumbas ng 9,831 pamilya mula sa 89 barangays sa mula region 11,12 at Caraga kung saan 12,071 katao ang nananatili sa 104 evacuation centers.

Nasa higit P1.2 million halaga ng tulong na ibinigay ng DSWD sa mga local government units na apektado ng bagyong Dante sa Region 12 at Caraga para sa mga apektadong pamilya.

Nakapagtala din ng dalawang landslides, anim flashflood at isang insidente ng pagguho ng lupa sa Region 12.

Ilang biyahe din ang kanselado, sa datos nasa 3,415 pasahero ang stranded, 1,206 rolling cargoes at 97 na barko sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5,6,8 at Caraga.

Anim na kabayahan din ang nasira kung saan tatlo dito ay totally damaged habang ang tatlo ay partially damaged.

dante2

Umabot naman sa higit P14.6 million halaga ng agricultural products ang nasira kung saan 442 magsasaka ang apektado.

Samantala, batay sa ulat ng RDRRMC ng Calabarzon at Central Luzon walang lahar incident na naiulat sa bulkang Taal at Pinatubo area.