Trending pa rin ngayon at usap-usapan ang nangyaring Game 3 sa pagitan ng Portland Trail Blazers at Denver Nuggets na inabot ng apat na overtimes.

Maging ang ilang mga NBA players ay hindi makapaniwala na inabot na ganoon katagal ang laro na mahigit tatlong oras, kung saan sa huli ay nanalo ang Blazers sa Nuggets, 140-137.

Dahil dito abanse na sa serye sa NBA semifinals ang Blazers, 2-1 at sa Lunes naman gagawin ang Game 4.

Ang naturang game ay tinawag na “longest game in NBA playoff history” na huling nangyari noon pang dekada singkwenta.

Tampulan tuloy ngayon ng biro sa maraming mga basketball fans, kung paano kinaya ng mga players ang mahabang game.

Ang Denver star na si Nikola Jokic ay inabot ng 65 minutes ang pagkakababad sa court bilang pinakamatagal sa isang player mula pa taong 1953.

Halos dalawang minuto na lang sana ay nalampasan niya ang record sa NBA playoff game na pinakamatagal ang inilaro.

Ang isa sa star player ng Blazers na si Damian Lillard ay binansagan ang laro nila nitong nakalipas na Sabado ng hapon bilang “craziest game” na naging bahagi siya sa kanyang buong career.

“That was the craziest game I’ve ever been a part of,” ani Lillard.

Para naman kay Nuggets coach Michael Malone wala na siyang hihilingin pa sa kanyang players dahil hindi sila sumurender at lumaban ng husto kahit pa natalo.

“We fought, we fought, we fought. That’s all you can ask for,” giit pa ni Malone. “But that was a hell of a basketball game by two very good basketball teams.”

Sinabi naman ng sports giant na ESPN, “one for the books” ang naturang epic Game 3.

Narito pa ang ilan sa maraming mga komentaryo sa social media:

Jamal Crawford of Phoenix Suns
Someone isn’t gonna get any sleep after losing this game. GREAT game though!!

NBA@NBA
The @trailblazers outlast the @nuggets in an EPIC 4OT thriller! #RipCity #NBAPlayoffs

ESPN @espn
4 Overtimes. 277 points. All the drama.

Paolo Uggetti @PaoloUggetti
Plot twist: Nuggets-Blazers is the best series.

Colin Cowherd @ColinCowherd
Nuggets/Blazers is top five NBA game of the year. Over three hours of intensity. Wild fourth.

NBA on TNT @NBAonTNT
The 4OT finish between the Trail Blazers and Nuggets was INSANE.