BUTUAN CITY – Apat ang naitalang patay habang walong iba pa ang nadala na sa Butuan Medical Center o BMC matapos mahulog ang kanilang sinasakyang pribadong Toyota Hi-Ace van sa pampang na bahagi ng Purok 2, Brgy. De Oro nitong lungsod ng Butuan kaninang alas-siete ng umaga.
Nakilala ang mga namatay na sina Roderick Lamigo, Harold Bitangcol, Michael Abaab at Luther Deguito, parehong residente sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan sa isa sa mga pasaherong si Pastor Semanes Jr., inihayag nitong dalawang sasakyan silang naka-convoy na parehong mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng kanilang bayan kungsaan lumisan sila kaninang alas-singko ng umaga mula sa Brgy. Arasa-asan upang kukuha sana ng mga papeles sa National Bureau of Investigation at sa Philippine Statistics Authority dito sa Butuan City.
Ang kanilang ibang mga kasamahan ay sakay sa na-unang sasakyan ng LGU habang silang 12 naman ay sakay ng van at pagsapit sa kurbadang bahagi ng nasabing barangay ay hindi na nakontrola ng driver ang manibela ng kanilang sasakyan kung kaya’t dumiretso na itong bumundol sa barandilya hanggang sa tumilapon na ibabang bahagi ng pampang hanggang sa ilog.