-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na natukoy sa Pilipinas ang apat na omicron BA.2.12.1 na kaso sa Metro Manila at Puerto Princesa.

Dalawang kaso ng highly transmissible omicron subvariant na natagpuan sa Metro Manila ang nakakumpleto ng home isolation at ngayon ay asymptomatic na.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire parehong ganap na nabakunahan na ang mga indibidwal na may mga booster shot at nasa 39 ang ka-close contact ng mga ito.

Tinitingnan na rin ng DOH ang status ng pagbabakuna at quarantine at testing information ng mga close contact ng mga nagpositibo.

Natukoy din ng DOH ang dalawang kaso ng omicron subvariant sa Puerto Princesa, kung saan 14 na turista at isang lokal na indibidwal ang nagpositibo sa COVID-19 noong Abril 29.

Sa 15 kaso, lima ang nakaranas ng mild symptoms.

Sinabi ni Vergeire, lahat ay asymptomatic at mula noon ay gumaling na rin.

Dalawampu’t walong malapit na kontak ang nagnegatibo na sa COVID-19 habang ang kanilang kalagayan sa kalusugan at pagbabakuna ay bineberipika pa.

Ang BA.2.12.1, isang sublineage ng BA.2, ay nakita sa 23 bansa.

Binubuo ito ng karamihan ng mga kaso ng COVID-19 sa United States.