-- Advertisements --

Inilabas na ng gobyerno ang bagong apat na dagdag na lugar para sa US na gagamitin para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon sa Malacañang na matatagpuan ito lahat sa Luzon na kinabibilangan ng Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan, Lal-lo Airport sa Lal-Lo,Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.

Ang nasabing mga lugar aniya ay pasok sa assessment na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakita rin na ang mga lugar ay maganda para mapalakas ang disaster response ng bansa dahil ito ay magagamit rin bilang humanitarian at relief operations tuwing mayroong emergencies at natural disasters.

Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagkasundo ang Pilipinas at US na kilalanin ang apat na bagong EDCA sites.