Reading Time: 1 minute
pacquiao versus thurman

LAOAG CITY – Masayang ibinalita ni Bombo international correspondent Joe Antes sa Las Vegas na nangunguna na sa sports booth doon si Senador Manny Pacquiao.

Aniya, sa mga nakaraang araw kasi ay nangunguna ang makakalaban ni Pacman na si Keith Thurman.

Pero habang papalapit ang pagtutuos ng 30-year-old American boxer at 40-year-old Pinoy ring icon, ay mas marami na ang naniniwala na ang fighting senator pa rin ang mananalo sa laban nila.

Kinumpirma pa ni Antes na sa ngayon ay marami na ang nagtungo sa Las Vegas para sa laban nina Pacquiao at Thurman.

Dagdag ni Antes na ang laban nina Pacman at Thurman ang mainit na pinag-uusapan hindi lang sa Las Vegas, kundi sa buong Amerika.

Isasagawa ang Pacquiao-Thurman fight sa Linggo, July 21 (Manile time) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.