-- Advertisements --

carjacker1

Patay ang apat na indibidwal sa Oplan Sita ng mga pulis Calulut By-Pass Road, Brgy. Calulut, San Fernando City, Pampanga kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Sa ulat mula sa Pampanga police, nagbabantay lang umano ng checkpoint ang mga otoridad dahil sa natanggap na impormasyon tungkol sa carjacking at robbery activity nang maharang ang apat na lalaki na sakay ng kotseng may plakang UQG 517.

Pinara umano ang kotse pero sa halip na huminto ay pinaputukan ng mga nasa kotse ang mga pulis. Dito nagkaroon umano ng engkwentro.

Napatay ang apat at narekober sa kanila ang apat na mga baril.

-- Advertisement --

Sa ngayon tinutukoy pa ng PNP ang kanilang pagkakakilanlan.

Dinala na ang kanilang bangkay sa Yumul Funeral Homes sa Sta Lucia, San Fernando, Pampanga para sa autopsy examination.