covid vaccine vax mask
-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na  nakapagtala sila ng 3,694 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Habang mayroon namang naitalang 3,924 na gumaling at 227 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (49,835) ang aktibong kaso, 96.7% (2,680,081) na ang gumaling, at 1.53% (42,575) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 26, 2021 habang mayroong isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Batay sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

-- Advertisement --