-- Advertisements --

Umaabot na sa 35,345 contact tracers ang na-recruit ng gobyerno at inaasahang makokompleto ang target na 50,000 sa susunod na linggo.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nasa 27,879 ay sumailalim na sa training at na-deploy na sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ayon kay Usec. Malaya, kabuuang 65,000 katao ang nag-apply kung saan 57,743 na ang naproseso.

Nakapaloob sa Bayanihan 2 ang recruitment ng karagdagang contact tracers para magtunton at maghanap na ng mga nakahalubilo ng mga COVID-19 positive.

“Lumalabas nga po dito sa mga naproseso naming aplikasyon na marami namang kwalipikado kaya nakapag-hire na po kami ng 35,345,” ani Usec. Malaya.