-- Advertisements --

Pinaslang ng mga armadong grupo ang nasa 35 na bihag nila sa Nigeria.

Ayon sa mga otoridad, tinuluyan pa rin ng mga suspek ang bihag nila sa northern Zamfara kahit na nagbayad na ang mga ito ng kanilang ransom.

Binihag ng mga suspek ang 56 na katao noon pang Marso mula sa Banga village sa Kauran Namoda kung saan humiling sila ng ransom na tig-$655 kada tao para mapakawalan ang mga ito.

Sinabi ni Local government chairman Manniru Haidara Kaura na karamihan sa mga biktima ay mga kabataan.

Una ng pinakawalan nila ang 18 katao na kinabibilangan ng 17 babae at isang binatilyo.

Patuloy naman tinutugis ng mga otoridad ang mga nasa likod ng insidente.