-- Advertisements --

Umapela si Pope Leo XIV sa mga dumukot sa mga mag-aaral at pari sa Nigeria at Cameron.

Sa kaniyang misa ay labis itong nalungkot kaya hinikayat niya ang mga otoridad na gumawa ng paraan para mapalaya ang mga ito.

Magugunitang nasa mahigit 250 na mga mag-aaral ang dinukot ng mga armadong grupo sa St Mary High School sa Nigeria.

Habang sa Ndop,Cameron ay anim na Katolikong pari mula sa Archdiocese of Bamenda ang dinukot ganun din ang Baptist pastor sa bayan ng Jakiri.

Hinikayat nito ang mga mananampalataya na magdasal para sa kaligtasan ng mga biktima.