-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tatlumput dalawang panibagong positibo sa COVID-19 ang naitala sa Santiago City .

Ito ay resulta nang isinagawang malawakang contact tracing at mass testing ng pamahalaang Lunsod .

Sa kabuuang 32 nagpositibo sa virus ay 28 dito ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID19 habang apat ang nakaramdam ng sintomas.

Pinakabata sa mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 ay 1 anyos na batang babae na si patient CV 4157, residente ng Barangay Rosario na naitalang asymptomatic, at si patient CV4539 ay 1 anyos na batang lalaki , residente ng Barangay San Jose, kapwa asymptomatic at na-exposed sa una nang napaulat na nagpositibo sa Virus.

Sa ngayon ay inaalam pa kung papaano nahawa sa virus ang siyam na taong gulang na batang lalaki na si CV4538.

Si CV 4538 ay nanatiling asymptomatic.

Kabilang din sa mga nagpositibo si CV4477, 6 anyos na lalaki, residente ng Brgy. Nabbuan at si CV 4516 na 11 anyos na babae, residente ng Barangay Plaride, kapwa Asymptomatic at may pakikisalamuha sa kanilang kamag-anak na una nang nagpositibo sa Virus.

Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng mahigpit na contact tracing at malawakang swab test ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa iba pang posibleng nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo sa virus.

Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga health protocols upang matigil ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.