Nasa 31 katao ang patay sa pagkasunog ng bus sa Congo.

Mula sa Lufu sa Mbanza-Ngungu territory ang bus patungo sana ito sa Kinshasa ng magkaproblema sa preno.

Dahil dito ay nawalan ng kontrol ang driver at bumaligtad ang bus at nasunog.

Bukod sa mga nasawi ay itinakbo naman sa pagamutan ang 18 iba matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.