-- Advertisements --
Naabot na umano ng bansa ang target nitong 30,000 kada araw na testing capacity.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, “as of May 20, lumagpas na sa 30,000 kada araw ang kayang i-test at magagawa na ang 32,100 PCR tests.
Ayon kay Sec. Roque, mula ito sa dating 2,000 lamang kada araw noong Marso, 5,000 kada araw noong Abril a-15, 8,500 kada araw noong Abril 30 at 20,000 kada araw nitong Mayo 15.
Inihayag ni Sec. Roque na malaking tulong dito ang tumaas na ring bilang ng mga laboratoryo na nagpo-proseso sa mga specimen o test.
Kahapon, nasa 42 laboratoryo na mayroon ang bansa at target na umabot sa 66 na laboratoryo pagsapit ng Mayo 31.