DAVAO CITY – Sinimulan na ng Davao City health team ang screening at rapid test sa unang 300 vendors sa Agdao Public Market.
Hakbang ito matapos na anim na pasyente na may travel history sa nasabing palengke ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dr. Josephine Villafuerte, pitong araw na ipapasara ang palengke para isagawa ang disinfection at evaluation ng Epidemiologist and Infectious Disease Specialist doctors.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na bibigyan nila ng food assistance sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ang mga apektadong vendors at mga empleyado ng palengke.
Kung maalala, sinabi ng COVID-19 Risk Assessment ng lungsod na ang Agdao Public Market ay kabilang sa high risk area ng COVID-19 dahil kabilang ito sa Barangay Agdao Proper kung saan marami ang kumpirmadong kaso ng deadly virus.
Dagdag pa ni Villafuerte na ginawa nila ang hakbang dahil nagkakahawaan na ang mga nagmamay-ari ng tindahan, helper at kanilang mga kustomer.