-- Advertisements --

NAGA CITY- Arestado ang tatlo katao kasama ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan matapos ang dalawang magkahiwalay na buy bust operation sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station (MPS), sinabi nito na unat nang nahuli ng mga otoridad ang dalawang suspek na kinilalang sina Arlyn Padis at Ma. Rowena Carmona, residente ng Barangay Old San Roque sa naturang bayan.

Ayon dito, gamit ang P500 bill na buy bust money, nakabili ang isang poseur buyer sa mga suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon kay Lanuza, narekober din sa mga suspek ang dalawa pang sachet ng iligal na droga.

Samantala, naaresto rin sa naturang operasyon si David Padua, residente ng nasabing bayan at empelyado ng LGU Pili.

Nabatid na nabili rin kay Padua ang isang sachet ng natutrang droga at narekober din ang nasa 0.040 grams ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,500.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposiyon.