CAGAYAN DE ORO CITY-Pinawi ng Police Regional Office o PRO 10 ang pangamba ng mga tao sa pagpositibo sa COVID-19 ng tatlong pulis sa rehiyon.

Huling naipaalam sa publiko na nahawaan ng virus ang 46-anyos na pulis na may ranggo na police lieutenant.

Sinabi ni PRO-10 spokesperson Lt. Col. Mardy Hortillosa na hindi pa na-deploy ang biktima dahil sinusunod nila ang protocol na pag quarantine sa mga pulis na galing sa ibang lugar bago bigyan ng assignment.

Aniya dahil rito, nakakasiguro umano silang hindi nakahawa ang naturang mga pulis sa publiko.