Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III na kabilang ang tatlong mga Pilipino ang namatay habang limang iba pa ang sugatan sa nangyaring sunog sa isang food factory sa Taiwan.
Tinukoy ang mga nasawing overseas Filipino workers (OFws) na sina Renato Larua, 30 anyos mula sa lalawigan ng Cavite, Nancy Revilla mula Marinduque at Aroma Miranda mula naman sa Tarlac.
Ibinahagi pa ng dating Labor chief na sumiklab ang sunog mula sa ikalawang palapag ng Lian-Hwa Foods Croporation sa Changhua county sa central Taiwan umaga noong araw ng Martes.
Nagpaapot naman ng pakikimay si Bello sa pamilyang naulila ng mga nasawing OFWs at siniguro ang ibibigay na tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas at Taiwan para sa mga pamilya ng mga biktimang Pilipino.
Nakikipagtulungan na rin aniya ang MECO sa mga kapulisan ng Taiwan para sanagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente at inaasikaso na ang mabilis na paguwi sa bansa ng mga labi ng mga nasawing OFWs.