-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao sa naganap na sunog sa Tondo, Maynila.
Sinabi ni Fire Inspector Joh Joseph Jalique, ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, na dalawang bata at isang babae ang nasawi sa Yuseco Street.
Sa imbestigasyon ng BFP, hindi agad na nakalabas ang mga biktima sa kanilang bahay habang naganap ang sunog nitong madaling araw ng Huwebes.
Sugatan naman ang anima n katao habang 40 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Inaalam pa rin ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.