-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang naganap na pagsabog sa training facility ng Los Angeles County Sheriff’s Department.
Ayon kay US Attorney General Pam Bondi, na patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon ukol sa pagsabog.
Nasa lugar na rin ang FBI para tumulong sa pag-iimbestiga sa insidente na nangyari sa Biscailuz Center Academy Training.
Dahil dito ay isinara ng mga otoridad ang mga daanan malapit sa lugar.