CENTRAL MINDANAO- Sumiklab naman ang engkwentro ng dalawang armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon ulat ng mga otoridad na nagkasagupa ang pamilya Mindalagat laban sa grupo ni Kumander Balaumol Paglas sa Brgy Dungguan Datu Montawal Maguindanao.
Dahil sa tindi ng engkwentro maraming mga sibilyan ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.
Tatlo umano ang napaulat na nasawi at dalawa ang sugatan sa engkwentro batay sa pahayag ng mga bakwit ngunit patuloy pa itong inaalam ng pulisya.
Ang dalawang grupo ay may matagal na umanong may personal na alitan o rido.
Agad namang namahagi ng tulong sa mga bakwit ang LGU-Datu Montawal.
May inatasan na rin na mga tao si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal para ayusin ang awayan ng dalawang grupo at ipairal ang kapayapaan.
Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan ang mga bakwit sa mga paaralan at kanilang mga kamag-anak sa mga ligtas na lugar.