CAUAYAN CITY- Nagtala ng tatlong panibagong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive ang Cauayan City ngayong araw, November 27, 2020.
Unang nagpositibo sa virus si patient CV 3576, 47-anyos na lalaki, may-asawa, residente ng Barangay District 1.
Siya ay checker ng isang pribadong kumpanya.
Nagkaroon siya ng lagnat, ubo, nawalan ng panlasa at pananakit ng sikmura noong November 14, 2020 dahilan para siya ay ma-admit sa isang pribadong ospital.
Inaalam pa ng City Health Office ang kanyang posibleng history of exposure at nasa pangangalaga na ng hospital quarantine facility.
Pangalawa ay si CV 3555, 23 na lalaki, binata, residente ng Barangay District 1.
Siya ay isang merchandiser ng isang pribadong kumpanya at may close contact kay CV 3366 na kanyang kasamahan sa trabaho.
Nagkaroon siya ng sipon noong November 22, 2020 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.
Pangatlo ay si CV 3575, 47 anyos na babae, may asawa, residente ng Barangay Tagaran.
Siya ay nagtatrabaho bilang supervisor sa isang pribadong kumpanya.
Nakaranas siya ng lagnat, ubo, sipon, pamamaga ng lalamunan at pagsusuka noong November 19, 2020 at may alta presyon.
Inaalam pa ng City Health Office ang kaniyang posibleng history of exposure at kasalukuyang nasa pangangalaga ng hospital quarantine facility.
Sa kasalukuyan ay mayroong 39 active cases ang Cauayan City.















