-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tatlo ang patay habang isa ang nasugatan matapos magbanggaan ang isang closed van at isang motorsiklo sa barangay Roma Norte, Enrile, Cagayan.

Ang mga biktima ay sina Michael Alasca, 20 anyos; Mark Angelo Alasca ,21 anyos, Roel Lazaro y Gaspar,16 anyos, pawang mga magsasaka at residente ng barangay Roma Norte, Enrile, Cagayan.

Ang tsuper ng van na suspect ay si Michael Narag 46 anyos, residente ng barangay Mabini, Santiago City, Isabela

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Enrile Police Station lumabas na binabagtas ng closed van na minamaneho ni Narag ang timog na direksiyon nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay umagaw ng linya ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima sanhi para magkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa sementadong daan ang mga biktima at nagtamo ng malubhang sugat iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na agad dinala sa CVMC subalit idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.

Dinala naman sa Narag sa St.Paul Hospital sa Tuguegarao City para malapatan ng atensiyong medical.

Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan dahil sa aksidente.