CAUAYAN CITY- Inaresto ang tatlong katao kabilang ang isang senior citizen dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa mga bayan ng Bayombong at Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa unang operasyon ay nadakip ang mga suspek na sina Allan Paul Sion,29 anyos, binata, tattoo artist at Melvin Domingo, 19 anyos, isang tindero na kapwa residente ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Unang nadakip sina Sion at Domingo sa pinagsanib pwersa na tanggapan ng PDEA region 2 at Bayombong Police Stattion kung saan nakuha sa kanilang pag-iingat ang buybust money na ginamit sa transaksyon kapalit ng isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana maliban pa sa dalawang sachet ng Marijuana leaves na nasa kanilang pag-iingat .
Nasamsaman din sila ng ilang drug paraphernalia at cellphone na ginagamit sa kanilang transaksyon.
Samantala, pinangunahan ng Aritao Police Station at PDEA region 2 ang isa pang drug buybust operation na nagresulta sa pagkakadakip ni Romeo Asor, 60 anyos, may-asawa, karpintero at residente Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang limang daang pisong buybust money katumbas ng dalawang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na ibinenta sa Poseur Buyer
Nakuha pa sa pag-iingat ni Asor ang dalawa pang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Oscar Abrogena, hepe ng Aritao Police Station, modus ng pinaghihinalaan ang magbiyahe ng mga punong kahoy kasabay din ng pagbiyahe ng illegal na dohon ng marijuana.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng mga pinaghihinalaan na pansamantalang nakapiit sa Municipal Detention Cell ng PNP Bayombong at PNP Aritao.