-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patuloy na inaalam ng 7th Infantry Division Philippine Army ang pinagmulan ng mahigit 3,000 na ibat ibang uri ng bala ng M-14, M-16 at M-20 at dalawang M-16 Armalite Rifle na isinuko ng dalawang tauhan ni Ka Omeng na isa sa tatlong napatay na lider ng NPA sa sagupaan sa Novaliches, Quezon City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Amado Gutierrez, hepe ng Division Public Affairs Office ng 7th ID, sinabi niya na ang pagkamatay ni Ka Omeng sa sagupaan sa Novaliches noong i19 ng Disyembre ang nag-udyok sa dalawang tauhan na isuko ang mga bala at armas na ipinatagosa kanya upang magkaroon na ng kapayapaan sa Nueva Ecija.

Ang pagkasawi ng tatlong matataas na leader ng NPA sa Novaliches ay nagbunga rin ng pagsuko ng ilan nilang kasama sa Kilusang Larangang Guerilla Siera Madre.

Una nang naihayag ng 7th ID ang pagkabuag ng KLG sa Caraballo matapos mahuli ang kanilang mga leader kaya naghiwa-hiwalay ang mga miyembro nito.

Ayon kay Major Gutierrez, sampu nalamang ang aktibong miyembro ng KLG Sierra Madre ang nakikita nilang kumikilos sa lalawigan at posibleng mabuwag na ang grupo ng mga NPA na kumikilos sa Nueva Ecija.