CAUAYAN CITY – Ikinagulat ng delegasyon ng Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA ang pagkakaroon ng cobra sa loob kanilang billeting quarter.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Ferdinand Narciso , tagapagsalita ng DepEd region 2 na ang cobra ay tinatayang nasa 3 feet ang haba na nakita sa ilalim ng isa sa kanilang higaan.

Hinala ni G. Narciso na napadpad ang cobra sa kanilang biletting quarter bunsod ng naganap na pagbaha noong isang gabi dahil sa malakas na ulan.

Wala anyang natulog sa nasabing higaan dahil lumikas dahil sa naranasang pagbaha sa kanilang billeting quarter.

Naging maagap naman ang mga nagbibigay ng seguridad sa paghuli ng cobra makaraang iparating sa kanila ang nakitang ahas.