Pinalitan muna ng national Team Azkals ang tatlong players nito bilang paghahanda sa mahalagang laban kontra sa national team ng Tajikistan na magaganap sa June 13 kaugnay sa prestihiyosong AFC Asian Cup qualifiers.

Isinama na sa Azkals ang veteran striker Balot Doctora, Meralco Manila goalkeeper Ace Villanueva at si Javier Patino na naglalaro sa isang team sa China.

Una nang nabawas sa team dahil sa injuries sina Jeffrey Christiaens, Hikaru Minegishi at Anton Ugarte.

Nitong Huwebes ng gabi sa ginanap na friendly game kontra sa team mula sa China ay tinambakan ang mga Pinoy sa score na 8-1.

Ang iba pang mga pambato ng Azkals na sina James Younghusband, Misagh Bahadoran at Daisuke Sato ay safe namang nairaos ang laro ng walang injuries.

Narito ang full 21-men lineup ng Azkals sa June 13 na magaganap din sa homecourt ng  Tajikistan:

1.       Amani AGUINALDO (Global Cebu)
2.       Fitch Johnson Daviz ARBOLEDA (Stallion Laguna)
3.       Misagh BAHADORAN (Global Cebu)
4.       Kenshiro Michael DANIELS (Kaya FC-Makati)
5.       Dominic Liam DEL ROSARIO (Ilocos United)
6.       Patrick Phillip DEYTO (Global Cebu)
7.       Kevin INGRESO (Ceres Negros)
8.       Jim Junior MUNOZ (Ceres Negros)
9.       Nicholas O’DONNELL (Global Cebu)
10.   Manuel OTT (Ceres Negros)
11.   Iain RAMSAY (Ceres Negros)
12.   Camelo TACUSALME (JPV Marikina)
13.   Dennis VILLANUEVA (Global Cebu)
14.   Nathanael Ace VILLANUEVA (Meralco Manila)
15.   Luke WOODLAND (Ceres Negros)
16.   James Joseph YOUNGHUSBAND (Meralco Manila)
17.   Philip James YOUNGHUSBAND (Meralco Manila)
18.   Mike Rigoberto OTT (Angthong United)
19.   Javier PATIÑO (Henan Jianye)
20.   Daisuke SATO (Iasi)
21.   Ruben DOCTORA Jr. (Stallion Laguna)