-- Advertisements --

Arestado ang tatlong kalalakihan dahil sa paglabag sa liquor ban sa Maynila.

Ayon sa kapulisan, nakatanggap sila ng impormasyon na nagpapasok ang mga suspek ng ala sa Maynila mula sa Makati City.

Naaresto ang mga ito sa entrapment operation lulan ang kanilang sasakyan sa Lacson corner Florentino Flores Street sa Sampaloc.

Umaabot sa 25 kahon ng alak ang kanilang nakumpiska na ibinebenta ng mga suspek sa Maynila sa mas mataas na halaga.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act dahil sa ipinapatupad na liquor ban sa lungsod ng Maynila.