Binawi ng Kamara ang second reading approval sa provisional franchise ng ABS-CBN.
Ayon kay Deputy Majority Leader Wilter Palma, maraming mga kongresista pa kasi ang nais na mag-interpellate sa mga sponsor ng House Bill No. 6732, na nagpapahintulot sa ABS-CBN na makapag-operate ng hanggang Oktubre 31, 202.
Isa na rito si Albay Rep. Edcel Lagman na pinuna ang naunang pag-apruba sa bill noong nakaraang Miyerkules dahil nilabag aniya ng Kamara ang Saligang Batas.
Mababatid na noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6732 sa first at second reading sa parehong araw.
Ayon kay Lagman, nakasaad sa Saligang Batas na ang isang panukala ay dapat na aprubahan sa tatlong pagbasa sa magkakahiwalay na araw.
Pero, kapag certified ito as urgent ng Pangulo, maaring isagawa sa iisang araw ang approval sa isang panukala.
Nanindigan naman si Deputy Speaker Lray Villafuerte na salig sa Konstitusyon ang kanilang naging hakbang.
Tinukoy pa nito ang mga precendents sa mga nakaraang kongreso.