-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Aabot ng 271 kahon ng smuggled umanong sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang entrapment operation sa Oringgo Subd, Barangay City Heights nitong lungsod.

Nahuli ang Chinese national na si Zai Tian Shi, 39 anyos, may asawa, isang negosyante.

Hindi muna nagpaunlak ng interview si PCapt. Brent Ian Salazar, hepe ng San Isidro Police Station sa halip nag-release ng spot report sa naging operasyon.

Matapos na matanggap ng operatiba ang binili na limang ream na sigarilyo na Gudang Baru halagang P3,000 ay kaagad na hinuli ang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay.

Nakuha rin sa kustodiya ng naturang Chinese smuggler ang P513,000 na umanoy mula sa ibinebenta na pekeng mga sigarilyo at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ng nabanggit na presinto ang naturang suspek.