-- Advertisements --

Inihayag ni Senator Robin Padilla na wala na siyang planong muling tumakbo sa pulitika at mas nais niyang mamuhay nang tahimik kasama ang kanyang pamilya.

Sa kanyang post online, sinabi ni Padilla na maliit pa ang kanyang mga anak at isang tahimik na buhay-Islam ang kanyang pinapangarap.

Nagpasalamat din si Padilla sa mga kaibigang humihikayat sa kanyang manatili sa pulitika, ngunit sinabi niyang hindi Ito nababagay sa mundong Ito.

Samantala, iminungkahi niya sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Ronald dela Rosa, Rodante Marcoleta at Atty. Salvador Panelo bilang mga posibleng ka-tandem ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections.