Nasa 27 katao ang patay sa pang-aatake ng Jihadist mula sa grupong Boko Haram sa southeast Niger.

Maraming katao ang nasugatan habang ang iba ang nawawala sa insidente na naganap sa Toumour village sa Diffa region.

Ilan sa mga biktima ay pinatay sa pamamaril habang ang ilan ay kasamang sinunog sa loob ng kanilang kabahayan.

Nangyari ang pang-aaatake ilang oras bago ang municipal at regional elections sa buong bansa.