-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakatanggap ng maagang Christmas gifts ang nasa 27 pamilya na mga informal settlers mula sa 9th Infantry Division (9ID).

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Division Public Affairs Office (DPAO), 9ID, Philippine Army ng Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur, nabatid na kasama sa nasabing pamasko ay ang construction materials, food stuffs at isang bahay para sa isang pamilya.

Napag-alaman na noong nakaraang Sabado sinabi ni Commander ng 9ID, MGen. Henry Robinson Jr., ng Phil. Army kasama ang mga opisyal ng Spear Division ang dumalo sa blessing and inauguration ng newly constructed model house sa relocation site sa Barangay Caroyroyan, Pili, Camarines Sur.

Isa sa mga highlights dito ay ang gift-giving sa nasabing mga pamilya na mga niktima rin ng mga nagdaang kalamidad.

Bago pa man ang kanilang paglipat mula sa military camp, nakipag-ugnayan na ang 9ID sa National Housing Authority (NHA) kung saan binigyan ang mga ito ng lote sa loob ng Sodusta Village.

Nabigyan ang mga ito ng cash assistance mula sa provincial government ng Camarines Sur kung saan ang mga Spear Troopers din ay nagbahagi mula sa kanilang mga allowance para sa pondo ng pag-construct ng mga bahay.

Ngunit maliban pa sa monetary donation, ang Spear Troopers ang nag-invest dun ng kanilang oras at physical labor.

Samantala, sa naging pahayag ni Robinson, sinabi nito na hindi nila basta-basta pinaalis na lamang sa loob ng 9ID headquarters ang mga pamilyang ito kung hindi ay tiniyak nila na makakatira ang mga ito sa bahay na maaari na nilang matawag na sariling bahay na walang takot na ano mang oras ay maaari silang paalisin.

Aniya, isinagawa ang naturang gift-giving activity upang ipaalala sa lahat na nariyan lagi ang kanilang tulong lalo na at Pasko aniya ay hinggil sa compassion, respeto, kabutihan at pagmamahalan.