-- Advertisements --
Patay ang nasa 25 katao matapos ang drone at missile attack ng Russia sa Ternopil. Ukraine.
Ayon sa Ukrainian rescue officials, na kabilang sa nasawi ang tatlong bata at 73 iba pa ang sugatan.
Dalawang iba pang lugar sa western regions gaya ng Lviv at Ivano-Frankivsk ang tinamaan ng drone strike ng Russia.
Napabagsak naman ng air force ng Ukraine ang 442 sa 476 na drones at 41 sa 48 missiles na pinakawalan ng Russia.
Gamit ng Ukraine ang F-16 at Mirage 2000 jets para mapabagsak ang 10 Russian cruise missiles.















