Anim na araw bago ang official kickoff ng South East Asian (SEA) Games, inilunsad ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 24-hour hotline.
Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Debold Sinas, maaari raw kontakin ng publiko ang naturang hotline para sa ano mang inquiries, reports at reklamo kaugnay ng naturang sporting event.
Ang hotline number ay imo-monitor 24/7 ng mga police officers sa NCRPO headquarters.
Narito ang mga hotline pa puwedeng i-contact sa pamamagitan ng short message service (SMS) at Viber:
- 0915-983-4636 for Globe subscribers
- 0998-325-5626 for Smart subscribers
Ang launching ng hotlines ay isinagawa sa final coordinating meeting ng Task Force-National Capital Region (NCR) sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Pormal na magbubukas ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30 at magtatapos sa December 11 sa iba’t ibang lugar sa bansa.