-- Advertisements --

Nailigtas ang nasa 23 kababaihan at kalalakihan na ibinubugaw sa mga dayuhan sa lungsod ng Pasay.

Sinabi ni Police Lt. Col. Samuel Mina ng PNP Women and Children Protection Center, na agad nilang pinuntahan ang condominium matapos na makatanggap ng reklamo.

Nasagip sa operasyon ang nasa 17 babae at 6 na lalaki.

Doon sa lugar inilalagay ang mga biktima at kapag may booking ay saka na lamang sila inilalabas.