CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa 22 ka tao ang sugatan nang banggain ng isang elf truck ang pampasaherong jeep sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga sugatan na sina Yasmin Ali,45 anyos,Delfin Mapandi,33,Mama Sanip,49,Warda Sanip,19,Neda Baliwan,29,Nasiba Ismael,42,Alonto Mohammad,32,Nasser Sapar Tan,45,Halid Luneta,19,Opelia Patricio,54,Telma Jose,53,Ailyn Felipe,35,Rommy Timuay,20,Abegil Timuay,19,Princess Salvador,9,Samsodin Tan,18,Odsaifa Luneta,1 year old,Yusop Esmail,37,Boyet Tanilon,driver,SAida Blo,68 at Northhata Sanip,14 anyos,mga residente ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na sakay ang mga biktima sa townace Jeep na minamaneho ni Boyet Tanilon nang bigla itong araruhin ng isang Elf truck sa harap mismo ng Maguindanao Electric Cooperative (Magelco) sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Dahil sa lakas nang pagkabangga ay humiwalay ang likurang bahagi ng jeep.

Agad namang dinala ang mga sugatan sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP sa naturang pangyayari.