Pinag-aaralan ngayon ng China ang nararanasang bagong outbreak ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Marami ang nagtaka na sa kabila ng istriktong pagpapatupad ng 21-days mandatory quarantine sa mga overseas, nananatiling tumaas pa rin ang kaso ng impeksyon dulot ng Delta variant.
Natuklasan din ng mga researchers sa Guangdong Provincial Center for Disease Control and Prevention na ang average incubation period ng Delta variant ay nasa apat na araw lang kumpara sa original strain na nasa anim na araw.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ng ipinatupad na 21-days mandatory quarantine ng bansa lalo pa’t nakakahawa pa rin ang isang lalaki mula overseas na nakakompleto ng quarantine at nagnegatibo pa sa test sa loob ng siyam na beses habang naka-quarantine.
Ngunit, pagkalipas ng 37 araw, nagpositibo na sa virus ang nasabing lalaki na nagmula sa Singapore.
Siya ang itinurong source ng outbreak kung saan ang Fujian province ay nakapagtala ng 60 COVID-cases kabilang na ang 15 mga elementary school pupils.
Bumisita sa paaralan ang nasabing lalaki kung kaya’t nahawaan nito ang mga mag-aaral.