DAVAO CITY – Kinustodiya na ang isang 21 anyos na dalaga ito matapos na mahuli sa isang entrapment operation dahil sa ginawa nitong pambubugaw sa isang menor de edad na babae sa Digos City.

Kinilala ang suspek na si Jovy Lucero Crispino na nahuli sa loob ng Galors Restaurant and Inn sa Lim Ext. Brgy. San Miguel Digos City.

Hinuli ang nasabing suspek matapos isinumbong sa awtoridad ang iligal na gawain nito.

Agad namang isinagawa ng Philippine National Police Digos City kasama ang City Social Welfare and Development Office ang isang entrapment operation.

Nakuha sa suspek ang P2,000 na mark money, at cellphone na pinaniniwalaang ginamit sa transaksyon.

Narescue din ang 16-anyos na batang babae na siyang binubugaw ng suspek kapalit ng perang binabayad ng kanilang mga kustomer.

Haharap ngayon sa kasong anti-child abuse law at anti-trafficking in persons act ang nasabing suspek.