-- Advertisements --

Umaabot na sa 205 mga pribadong kompanya ang inaasahang magpapatupad na ng rapid test sa kanilang mga empleyado bago papasukin ang mga ito sa trabaho.

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, sa pamamagitan ng pribadong sector o ang project ark, mayroon nang 500 libong rapid test kits ang nai-deliver na nila sa mga kompanyang ito.

Ayon kay Sec. Concepcion, lahat ng rapid test kits ay sagot ng mga kompanyang ito at walang babayaran ang mga empleado at wala ring charge sa gobyerno o PhilHealth.

Inaasahang sa susunod na dalawang linggo ay matatapos ng mahigit 200 pribadong kompanya ang pagsasagawa nila ng rapid test sa kani-kanilang mga empleyado.