Tokyo Olympics 2
Tokyo Olympics

Walang magiging epekto ang pagpapliban ng Tokyo Olympics sa 2024 Paris Games.

Sinabi ni Olympic organising committee head Tony Estanguet, na matutuloy sa itinakdang petsa ang nasabing 2024 Olympics.

Dagdag pa nito na isang magandang desisyon ang ginawa ng Tokyo Olympic organizer sa pagpapaliban ng torneo.

Magugunitang nagdesisyon si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang International Olympic Committee na ipagpaliban ang Olympics na gaganapin mula Hulyo 24 hanggang Agosto 9 at ito ay inilipat sa 2021.